Biyernes, Hulyo 15, 2016

tayutay

Tayutay (Figures of Speech)
Simili o Pagtutulad di tiyak na paghahambing
ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito
ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba
pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa :
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos
na mang-aawit.
2. Si Menandroy lobong nagugutom ang
kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing
nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga
sardines sa piitan.
5. Si maria na animoy bagong pitas na rosas ay
hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag
nakagalitan.
Metapora o Pagwawangis tiyak na
paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing
na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay
tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siyay langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi
sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
Personipikasyon o Pagtatao Ginagamit ito
upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
PERSONIFICATION sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa
atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng
hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
Apostrope o Pagtawag isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang
aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala
ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kamiy lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi
Pag-uulit
Aliterasyon Ang unang titik o unang pantig ay
pare-pareho.
Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng
inyong inpong.
2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting
mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa
mahal niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala
siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya
nang sagayon mahalin siya ng maraming
mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang
kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan
ng lahat.
Anapora Pag-uulit ng isang salitang nasa
unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at
galling sa lahat .
Mas makapangyarihan ang pamahalaan
,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang
sumunod sa pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito
ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit
kaunti man basta may halaga.
Anadiplosis Paggamit ng salita sa unahan at
sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Halimbawa:
Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.
Kailangan kong gawin ng itoy baguhin
Baguhin koman ng itoy magisnan;
Magisnan ng lahat ng matalino,
Matalino ang mas nakakaalam.
Ang lahat na bagay ay siyasatin
Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;
Sundin moman na walang gawiin,
Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.
Epipora Pag-uulit naman ito ng isang salita sa
hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at
galling sa lahat .
Mas makapangyarihan ang pamahalaan
,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang
sumunod sa pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito
ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit
kaunti man basta may halaga.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit Pag-uulit
nang pagbaliktad ng mga pahayag
Katapora Paggamit ng isang salita na
kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang
salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Halimbawa:
Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag
handaan ito ni Daniel
Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin.
Lunes din nang akoy gawaran ng unang
gantimpala sa pag-awit
Pagmamalabis o Hayperbole Ito ay
lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang
langit.
Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa
pera
Masunugan ng palayan,bumaha ng pera
,maabo ang araw.
Panghihimig o Onomatopeya ito ang paggamit
ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Halimbawa:
Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay
nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman
ay nakapagdulot ng katiwasayan.
Ang mabungad na pagsalamuha, galang na
pagbati ay nakagagaan ng loob.
Pag-uyam o Ironiya Isang uri ng ironya na
ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.
Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Halimbawa:
Napakalinis sa ilog na yon walang isdang
nabubuhay.
Napakataas monaman kaya hindi mo naabot
ang nakalagay sa misa.
Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan
makikita.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw isang bagay,
konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
Halimbawa:
Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-
damdamin)
Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay.
(Kamay-pangarap)
Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.
(paa-katawan)
Pagpapalit-tawag o Metonymy Itoy pagpapalit
ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay,
hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan.
Ang kahulugan ng meto ay pagpapalit o
paghalili.
Halimbawa:
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa
kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng
pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa
espada.
Paglilipat-wika o Transferred Epithet tulad ng
pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa
pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na
tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng
agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-
ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.
Balintuna isang uri ng ironya na hindi
ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol o Klaymaks pataas na paghahanay
ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan
nito mula sa pinakamababa patungo sa
pinakamataas na antas.
Halimbawa:
Nararamdaman na namin ang malamig na
simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling
tuwing gabi,at makikita na ang mga
napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na
nagsisimbulong malapit na ang pasko.
Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw,
dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong
paparating na ang bagyo.
Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa
ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang
bagyong Ondoy
Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na
pahayag ng damdamin kaisipan na may
maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng
kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-
asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang
anak.
Pagtanggi o Litotes gumagamit ng katagang
hindi na nagbabadya ng pagsalungat o di-
pagsang-ayon. Itoy may himig na pagkukunwari,
isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:
1 Siya ay hindi isang kriminal.
2 Hindi niya magawang magsinungaling sa
panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang
dangal.
Retorika na Tanong- hindi ito nag hihintay ng
kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-
aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang
naramdaman?
Paralelismo . sa pamamagitan ng halos iisang
istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang
pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga
damo at punongkahoy na ginagamit ng taong
bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang
damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng
tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang
nararamdaman. (malungkot)
Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas
magandang pakinggan kaysa sa salitang
masyadong matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga
empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)

3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman

1 komento: