Veritas college of irosin
Irosin, sorsogon
MAKABAGONG
TEKNIK
SA
PAGTUTURO
NG
ASIGNATURANG
FILIPINO
Imelda G.
Nervadez
Bilang Isa
saPangangailangansa
kursongPagbasa
at Pagsulat
TungosaPananaliksik
Ni
AisaBajaroEdza
BSED-IB
Ikalawangsemestre
2015-2016
VEritas college of irosin
Irosin, sorsogon
Rekomendasyon para sa pagpapatibay
Ang Pananaliksik
na ito na may Pamagat na MAKABAGONG TEKNIK NGPAGTUTURO SA ASIGNATURANG FILIPINO,
Inihanda at Iniharapni Aisa Bajaro Edza, bilang Isang Pangangailangan sa kursong
Pagbasa at pagsulattungo sa
pananaliksik, ay
Itinagubiling tatanggapin at pagtibayan, mag-aaral saFILIPINO I.
IMELDA
G. NARVADEZ
Veritas college of irosin
Irosin, sorsogon
Dahon ng pagpapatibay
Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng Pangangailangan para sakursong
Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.
______March
29,2016______
Petsa
______________________
Imelda
G. Nervadez
Instruktres
Pansariling tala ng Pananaliksik
Pangalan: AISA BAJARO
EDZA
Petsa ng
kapanganakan: DECEMBER 3,1997
Lugar ng
kapanganakan: IROSIN
Pinag-aralan:
Primarya: GABAO
ELEMENTARY SCHOOL
Sekundarya: GABAO
NATIONAL HIGH SCHOOL
Kolehiyo:VERITAS
COLLEGE OF IROSIN
Mga
katungkulang ginampanan:
Grade 3:Class Auditor
at Yes O Treasurer.
Grade 4:Class Secretary
at Yes O Secretary.
1st Yr.:
Kamafil Auditor at Feature Writer saBandillo.
2nd Yr.:
Kamafil (Tagapangasiwa ng dokumentasyon at programa)
3rd Yr.:
Kamafil Auditor
4th yr.:
Kamafil Secretary
Noon at ngayon:
Wala
PAGHAHANDOG
Ang pananaliksik na ito ay
inihahandog ng mananaliksik unang una sa
poong may kapal at sa kaniyang mga pinakamamahal
na magulang at mga kapatid, kaibigan at sa mga taong tumulong at makakabasa sa pananaliksik
na ito.
Sa aking mga
magulang na walang sawang sumusuporta upang maabot ang kaniyang mga mithiinsahinaharap.
Mama, papa inaalay ko po sa inyo ang pananaliksik na ito. Maraming salamat po sa
inyong walang sawang pag-aalaga at pag-mamahal saamin mahal na mahal ko po
kayo. Gayundinsaaking mga kapatid mahal na mahal korin kayo.
PAGKILALA
Sa
aking mga magulang na naglaan ng pera upang mailathala ko ang pag-aaral na ito.
Ang mananaliksik
ay lubos na nag-papasalamat sa mga taong malugod na tumulong sa kaniyang mabuo
at maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
Kay
Mrs. Mashella Agos ang school librarian sa pag-papagamit ng mga aklat upang
makakalap ang mananaliksik ng mahahalagang detalye at impormasyon na mula sa
aklat na may kaugnayan sa paksa.
Sa
tagapangasiwa ng internet room, maraming salamat po sa pagpapagamit ng computer
upang makakuha ng impormasyon na may kaugnayan sa paksa sa internet.
Maraming salamat po.
PAUNANG SALITA
Sa mga Guro
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila
para malaman ang mga problema at sanhi ng mga suliranin sa kahirapang hinaharap
ng mag-aaral sa asignaturang filipino. Tinalakay ng mananaliksik ang mga teknik
na maari nilang iangkop sa kanilang pag-tuturo.
Sa mga researcher
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa ng
mga impormasyon at makagawa ng isang research na isang konklusyon na puwede niyang
ipaalam sa ibang mananaliksik maging sa mga guro upang mas maging malawak ang kaalaman
ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mamamayan na maging bukas
ang kanilang
mga isip
at makagawa ng mga iba’tibang kurokuro para makatulong sa pagresulba
sa kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa asignaturang filipino.
Mga nilalaman
Pahina
Rekomendasyon
para sa pagpapatibaY .................................................i
Dahon ng
pagpapatibay
.............................................. ii
Pansariling
gala ng Pananaliksik ............................................... iii
Paghahandog
................................................ iv
Pagkilala ................................................ v
Paunang
salita
................................................ vi
kabanata i
I.panimula ...……………………………..1
KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL ...……………………………..1
Paglalahad ng Suliranin
...……………………………..3
Kahalagahan ng pag-aaral ....……………………………..3
saklaw at limitasyon ....……………………………..4
metoloji ....……………………………..4
depinisyon ng mga termino .....……………………………..6
kabanata ii
II.pagtatalakay ....……………………………..7
suliranin bilang 1 .,...……………………………..7
suliranin bilang 2
.....……………………………..7
suliranin bilang 3 .....……………………………..7
suliranin bilang 4 .....……………………………..12
suliranin bilang 5 .....……………………………..13
kabanata iii
iii.konklusyon
.....……………………………..15
paglalagom
.....……………………………..15
rekomendasyon
......……………………………..16
KABANATA I
I.Panimula
KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL
Ang sulating pananaliksik na ito ay patungkol sa mga
makabagong teknik sa pagtuturo ng asignaturang Filipino upang maging gabay ng
mga guro bilang format sa kanilang pag-tuturo. Ang mga nakapaloob nakaalaman ay
masusingsinuri at pinag-tuunan ng mahabang panahon upang maisagawa ang nasabing
research. Ang mga kinalap na impormasyon ay mula saibat-ibang author mapa
internet man o libro, maingat itong sinuri at pinag-aralan upang mailimbag ng
tama, produktibo at kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.
Ang pagsusuring ito ay naisagawa dahil sa sariling
karanasan ko noong ako ay nasa sekundarya pa lamang. Kung ating susuriin,
hindilamangestudyanteangnahihirapansapag-aaralngasignaturang Filipino
kundipatinarinangmgaguro. Nahihirapanangmgagurosapagtuturodahilsakulangan ngmgakagamitan, at pasilidad kung
kaya’thindilahatngestudyante ay natututosaitinurongmgagurodahilsakakulangan sa
mgareferensyasaitinuturongmga guro.
Nakapaloobsapagsusuringitoangibat-ibangaktibidadsaloobngpaaralannamaaaring maiapply
nggurosakanilangpag-tuturo.
Sapamamagitanngpag-susuringito
mag-kakaroonngediyaangmgaguroupangmapadalingmatututoangmgaestudyantesanasabingpaksa
at matulungannilang ma enhance at madevelope pa ang thinking skills ngmga
estudyante at mapalago pa angkakayahan at kaalamanngmgaito.
Paglalahad ng Suliranin
Ang MakabagongTeknik sa pag-tuturong Asignaturang
Filipino ay tumatalak ay sa pag-aaral na may kaugnayan sa mga makabagong tuklas
na mga metodolohiya, estratehiya at teknik na maaaring magamit ng mga guro sa
kanilang pagtuturo.
1. Ano
ang mga bagay na nakakaagaw sa pansin ng mga estudyante?
2. Ano ang mga dahilan bakit maraming
mag-aaral ang nababagsak sa high school ?
3. Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga
guro sa asignaturang Filipino at mga mga posibleng solusyon ?
4.Anong mga estratehiya ang maaaring
iprisenta ng mga guro upang madagdagan ang interes ng mga estudyante na
mag-aral?
5.Ano ang kahalagahan kahalagahan ng isang
mabuting guro?
Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik
na ito. Ang isa pang posibleng kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang
mahubog ang mga mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.Paano
natututo ang mga mag-aaral? Ang kasagutan dito ang titiyak kung paano dapat
ihanda ang kaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda
kung anong uri ng mga gawain ang dapat na ilaan sa mga mag-aaral. Marami nang
mga pagpapaliwanag ang ating nabasa hinggil sa kung paano natututo ng husto ang
isang mag-aaral. Ngunit halos magkakaiba at minsan ay nagsasalungatan pa ang
mga ito sa isa‘t isa. Isang kampo ang naniniwala na ang pagkatuto raw mula sa
sipag ng estudyante sa pag-aaral at likas na kakayahan; may naniniwala naman na
ang pagkatuto ng estudyante at dahil sa galing ng guro sa pagtuturo.
SURVEY FORM
1.Lagyan ng tsek ang mga sumusunod na nakatala na kadalasang nakakaaagaw ng iyong atensyon sa
pag –aaral?
o Kompyuter
o Telebisyon
o Cellphone
o Pag-ibig
o
Makabagong
Teknolohiya
o
Problema
sa pamilya
o Mga Kaibigan
2.Ano-ano
ang mga dahilan kung bakit nahihirapan sa pag-aaral ang ilang
estudyante.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
|
Kahalagahan ng pag-aaral
Naniniwala ang
mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito samga mag-aaral upang magsilbing
gabay ang mga kinalalabasan ng pananaliksik na ito ng kanilang mga guro, at
makapagbibigay ng mga kaalaman sa mga susunod na mga henerasyon ng mga guro at
mag-aaral namauunawaan ang kahalagahan ng pagsusulit sa bawat asignatura, at
para mapalawak ang pag-unawasa bawat isa na ginagampanan ng pinakamahalagang
papel ng wikang Filipino sa asignatura filipino. Makatutulong din ang mga ito
sa mga guro at tagapamahalang isang institusyon na maliwanagan ang isang
kabatiran sa kahalagahan ng mga makabagong metodo sa Flipino. At maipabatid ang
isang paraan sa pagtuturo ng kaalaman atkaangkupan sa sarili. Gayon din ang
makapagbibigay sigla sa mga mag-aaral na madagdaganang kanilang kaalaman at
upang lalong maging mabisa at masanay sa ibat-ibang larangan ng asignaturang
filipino.
Ang pananaliksik
na ito ay mahalaga at may malaking ambag para sa mga sumusunod:
Una ay ang mga
estudyante, sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng nais
pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Pangalawa ay
ang School Administrator, makakatulong sa pagpapabuti ng mga panuto, sa
pagpapatupad ng mga patakaran at pagbibigay ng gawi at iba pa.
Pangatlo ay
ang mga guro o instraktor, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro
lalo na sa pagtuturo at kanilang estratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay
magsisilibing gabay upang mapabuti ang kakayahan sa pagtuturo at sa relasyon ng
mag-aaral at mga guro.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral ng mga MAKABAGONG
TEKNIK SA PAG-AARAL NG AKADEMIKONG FILIPINO aynakakatulong sa kaalaman ng mga
guro sa paggamit ng mga makabagong estratehiya upang lalong mapadali ang
pag-iintindi ng mga estudyante sa kanilang paksa. Ang pag-aaral ay siyang
napakalaking tulong at ugnayan sa lahatng mamamayan sa Pilipinas. Ang mga
paniniwala at kaalaman ang nagbibigay ng
kaunlaran sa ating bansa, batay sa ating kultura at kolektibongkaban ng
karanasan ng mga tao sa ating kapaligiran, mahalaga rin sa atingmamamayan na
patnubayan at paunlarin ang ating naturang kaalaman sa paraang pagsusulit at
pagpapalawak nito.
Ang pag aaral na ito ay higit na may malaking tulong sa
bawat mag aaral upang malutas ang kanilang kahirapang hinaharap ukol sa
asignaturang filipino na naisasagawa sa paaralan. Malalaman din nila ang
iba’t-ibang paraan upang malagpasan ang mga kahirapang ito. Nais din ng
mananaliksik na malutas ang mga kahirapang ito upang higit na makatulong sa mga
mag-aaral at mga stratehiyang nararapat na gamitin ng guro para sa mga
mag-aaral.
KAUGNAY NA LITERATURA
Ang pananaliksik na ito’y magprepresenta ng mga literatura at
pag-aaral mula sa kasalukuyan. Tinutulungan nito ang mananaliksik sa pagbuo at
pangangalap ng mga impormasyon ukol sa pag-aaral.
Pinagsikapan ng mananaliksik na makapagbasa ng mga nailathalang
tesis, aklat, pahayagan, at iba pang lathalain na may kaugnayan sa pag-aaral ng
pananaliksik. Nagsuri din at nagsaliksik sa Aklatan ng Veritas College of
Irosin ang manaliksik maging sa aklatan ng Barangay Gabao maging sa Aklatan ng
Munisipyo ng Irosin. Sa mga nabasa, napatunayang may kaugnayan ang lahat ng mga
datos na nakuha sa pag-aaral sa lokal at mga literature na galing sa ibat-ibang
dalubhasa sa Filipino ukol sa mga makabagong teknik sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino.
METODOLOJI
Sa
bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at
pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat
disenyo ng pananaliksik, populasyon o sampling na pamamaraan, instrumento at
istatistiko ay nailahad din sa bahaging ito.
Disenyo
at Paraan ng Pananaliksik
Naghanda
muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa mga
respondente. Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang
bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat
tanong sa talatanungan. Masusing pinag-aralan at ginawan ng pagbubuod at
konklusyon ang mga sagot ng mga respondente. Sa paraang ito ay nakuha ang
pananaw ng mga respondente ukol sa kahirapang kinakaharap ng mga mag-aaral sa
pagsusulit. Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong
metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey
Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionare) para
makakuha ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang angkop upang
lalong mapadali ang pag-aaral. Mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga
naging respondent o sa mga sumagot ng sarbey na isinagawa.
Nagbigay ako ng sampung tanong sa bawat tao para sa
isinasagawang pananaliksik. Sa 15 talatanungan, hindi lahat
ay umangkop sa aking pag-aaral. Ang talatanungan ay nagpokus sa
pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral
sa asignaturang filipino.
Isinagawa
sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral na ito. Naghanda ng sarbey
ang mananaliksik na naglalayong din makangalap ng mga datos upang malaman ang
presentasyon at damdamin ng mga respondente sa pagkuha ng mga datos tungkol sa
mga salik na naka-aapekto sa pagsusulit ng mga mag-aaral at kung anu-anong mga
suliranin ang maaring makaapekto sa kanila. Bukod dito, ay nagsagawa din ang
mananaliksik ng pangangalap ng impormasyon sa internet upang makakuha pa ng iba
pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa iba pang mga suliranin.
Kasabay nito, nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyon tungkol sa
iba’t-ibang kalagayan ng mga mag-aaral na tutugma sa pananaliksik.
Ang pamanahong
papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kung bakit may kahirapang hinaharap sa
asignaturang filipino ang mga estudyante, kaya naman hindi ito nangangailangan
ng mga numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang
pamanahong papel ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na
sinagutan ng mga respondente. Mula sa mga sagot na nakuha sa mga respondent sa
pananaliksik o sa ginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga
pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga
datos at impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging
rekomendasyon.Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang
makatipon ngmga datos ay ang survey method. Ang mananaliksik at nangalap ng
mgadatos sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na kung saan ang mga
mag-aaral na nasa ng Grade VIII ay pumili ng mga angkop na metodolohiya sa
pagtuturo ng Filipino.
Dahil ninais ng mga mananaliksik ang pananawng mga
respondyante tanging ang questionnaire ang ginamit na instrumento upang
maisakatuparan ang pananaliksik.
Ang
pangunahing instrumento na ginamit sa sarbey ay ang questionnaire. Ito ay
binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay patungkol sa persepsyon ng mga
mag-aaral kung bakit may mga kahirapang hinaharap sila sa nasabing asignatura.
Upang maging malinaw ang
presentasyon ng mga datos na nakalap, ibinagay ang istatistikal na pamamaraan
na naaayon dito. Istatistiks sa Unang Problema. Sa pag-analisa sa unang
problema ay giamanit ang pagtally at percentage. Sa mga katanungan, hinihingi
ng sarbey na makuha ang kasagutan ng bawat respondante sa pormang OO o HINDI.
Pinagtally ang lahat ng kasagutan ng mga mag-aaral at nakuha ng mga
mananaliksik ang kabuuang mga bilang ng sumagut ng OO at HINDI. Pagkatapos nito
ay kinuha rin ang porsyento ng mgasumagot sa bawat opsyon upang mas mapadali
ang pagtalakay ng resulta.
Istatistiks sa Ikatlong Problema. Ang pagtally at percentage
din ang ginamit ng mga mananaliksik upang alamin ang tiyak na bahagdan ng mga
mag-aaral na may kahirapang hinaharap sa nasabing paksa.
Random sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng mga
respondante. Nangangahulugan ito na lahat ng mga mag-aaral sa unang taon ay
mayroong pantay-pantay na pagkakataon upang sumagot sa sarbey. Ang mga
mag-aaral sa unang taon ay nahahati sa maraming seksyon. Ang bawat mag-aaral na
sumagot ay may kabuuan na 50 mag-aaral, 50 lamang ang random na napili upang
maging respondyante sa sarbey na katumbas na rin ng iba’t-ibang seksyon.
Dalawamput siyam rito ay babae at dalawamput isa rin ang lalake.
.
Sa pagaaral na ito makikita ang maraming paraan na isinagawa
ng mga mananaliksik at sa tulong na rin ng mga respondante na sumagot ng sarbey
upang mapunan ang pananaliksik na isinasagawa ng mga mananaliksik.
Ninanais
na maresulba ng mananaliksik ang kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa asignaturang
filipino upang matulungan sila at ang mga stratehiyang dapat isagawa ng mga
guro sa pagtuturo.
Depinisyon ng mga Salitang Ginamit
Upang lalong maunawaan ang pananaliksik na ito, narito ang
mga salitang ginamit sa pag-aaral na binibigyang kahulugan ayon sa konsepto ng
pagkakagamit nito at ayon sa konsepto na pagkakagamit nito sa pag-aaral.
Edad- Ito’y nagbibigay kahulugan sa taon ng mga sumagot o
respondante na may hangganan ng taon mula labing-walo hanggang dalawampung
taong gulang.
Estudyante - Sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga
estudyanteng nais pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Guro/Instraktor-Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro lalo na
sa pagtuturo at kanilang stratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay
magsisilibing gabay upang mapabuti ang kakayahan sa pagtuturo.
Magulang-Isang pag-asa na ang pananaliksik na ito ay magsisilbing
gabay sa pagbubukas mata ng magulang para sa anak na lalo pang makapagbigay
gabay at suporta ukol sa pagiging responsible sa pag-aaral ng anak sa kanyang
mga asignatura.
Pananaliksik -ng pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.Ang ibig
sabihin ng pananaliksik ay pagreresearch. Ito’y karaniwang isinasagawa sa
paaralan o sa pagdidiskubre ng mga bagay-bagay.
Pagsusulit- Ito’y sumusukat sa kaalaman ng mga estudyante sa kanyang
pag-aaral sa eskwelahan.
Questionare- Ito’y nagbibigay kahulugan sa instrumentong ginamit upang
mangalap ng mga impormasyon mula sa mga estudyante.
School
Administrator-Makakatulong sa pagpapabuti ng mga
panuto, sa pagpapatupad ng mga patakaran at pagbibigay ng gawi at iba pa.
•Metodo. Ito and tawag sa panlahat na
pagplano para sa isang sistematiko at epektibong pagtuturo ng aralin sa
filipino. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
•Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa
mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay
ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
•Teknik. Ay tawag sa paraan ng
organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o
gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang
aralin.
•Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng
wika, pagkatuto at pagtuturo.
•Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano
para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa isang dulog.
•Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama
rito ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y
tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang
pagtuturo”.
•Silabus – Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na
programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin,
pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa
mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng mga mag-aaral.
KABANATA II
II.Pagtatalakay
Sa pag-aaral na ito, ang mga
makabagong teknik na patuloy na napahahalagahan ay nakalap at nabigyang
kasagutan kung aling teknik o pamamaraan ang marapat gamitin ng mga guro upang
makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang nasa ibaba ang binigyang
basehan sa paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik upang
maipabatid sa mga guro ang lumabas na datos ng pangangalap ng kagamitan sa mga
makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
SULIRANIN
BILANG 1
Ano ang mga bagay na nakakaagaw sa pansin ng mga mag-aaral?
a.Kompyuter - 20%
b.
Cellphone- 20%
c. Makabagong Teknolohiya- 10%
d. Mga Kaibigan- 30%
e. Telebisyon- 10%
f. Pag-ibig- 5%
g. Problema sa pamilya- 5%
SULIRANIN
BILANG 2
Ano ang mga dahilan bakit maraming mag-aaral ang nababagsak sa high
school ?
a.katamaran
sa pag-aaral
b.Maraming
bagay na kumukuha ng atensyon nila.
c.Hindi
naiintindihan ang tinuturo ng mga guro.
d.Hindi
nagtuturo ang ilang mga guro.
f.May mga
problema silang kinakaharap.
g.Hindi
kayang balansihen ng mga estudyante ang kanilang oras.
h.Kakulangan
sa mga guro at mga pasilidad.
i.Walang maayos na classroom.
SULIRANIN
BILANG 3
Mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa asignaturang Filipino at mga
mga posibleng solusyon.
MGA
SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO
|
MGA
POSIBLENG SOLUSYON SA BAWAT SULIRANIN
|
1. Oras na
itinakda para sa asignatura.
|
·
Higit na
makakatulong sa guro at sa mga mag-aaral ang magkaroon ng sapat na oras sa pagtuturo/pag-aaral
upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na iyon.
·
Sa
kasalukuyan ang oras ng pagtuturo sa asignaturang Filipino ay nadagdagan ng
20 minuto mula baitang I-III at 60 minuto naman sa baitang IV-VI hanggang
sekundarya.
|
2. Kapaligiran ng
paaralan.
|
·
Magkadaragdag
sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may maayos na kapaligiran sa lugar na
kanilang pinag-aaralan gayundin sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t
nararapat na magkaroon ng maayos,malinis, maliwanag,maganda at maaliwalas na
kapaligiran sa isang paaralan.
|
3. Kakulangan
sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang
pampagtuturo.
|
·
Makatutulong
ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay ng KWF o
anumang samahang nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong madagdagan
ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong pamamaraan o estratehiyang
pampagtuturo.
·
Makakatulong
din ang palagiang pagbabasa ng mga aklat, magasin o anumang babasahin na may
kinalaman sa pagtuturo ng wika at panitikan.
|
4. Kakulangan sa
mga makabagong kagamitang pampagtuturo.
|
·
Ang
tagapamahala ng paaralan ay maaaring makatulong sa paghahanda ng mga
kagamitang pampagtuturo ng mga guro kabilang na ang paggamit ng kompyuter sa
modernong pagtuturo.
·
Paglaanan
ng tagapamahala ng paaralan at maging ng guro ang mga kagamitang pampagtuturo
upang magkaroon ng makabago at epektibong pagtuturo sa wika at pantikan.
·
Maaari
ding gumawa ang guro ng batid niyang mga kagamitang pampagtuturo bago pa
lamang magsimula ang pasukan.
|
5. Kawalan ng
interes ng mga mag- aaral dahil sa pagdating ng mga makabagong kagamitan
na mas pinagkakaabalahan ng mga mag- aaral.(cellphone,
computer,atbp.)
|
·
Umisip
ng mga teknik o estratehiya na makahihikayat sa mga mag-aaral na makuha ang
kanilang atensyon habang nagtuturo ang guro sa wika at panitikan katulad ng
pagbabawal sa pagpapadala ng kanilang cellphone o anumang gadgets sa pagpasok
sa paaralan o pagbabawal na paggamit nito habang nagtuturo ang kanilang guro.
·
Bigyan
ang mga mag-aaral ng mga takdang-aralin na maaaring hindi gagamitin ang
kompyuter upang mapigilan ang pagkahumaling nila dito, gamitin ang
silid-aralan sa paghanap ng kasagutan sa kanilang mga gawaing-bahay.
·
Bigyan
ng gantimpala ang mag-aaral na susunod sa mga panuto ng guro.
|
6. Kakulangan sa
bokabularyong Filipino/Tagalog.
|
·
Makatutulong
ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong Filipino upang lalong
madagdagan ang bokabularyong Filipino/Tagalog.
|
7. Pagdating ng
mga makabagong salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino.(jejemon at
bekemon)
|
·
Sanayin/hikayatin
ang mga mag-aaral na bumigkas o gamitin ang mga wastong pananalita sa
kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan lalo na kung nasa loob ng paaralan.
·
Bigyan
ng gantimpala ang mga mag-aaral na susunod sa panuto ng guro at bigyan ng
magaan n parusa ang mga mag-aaral (hal. multa kung makariringgan ng
pagsasalita ng mga jejemon o bekimon na salita sa loob at labas ng
silid-aralan.
|
8. Ang mahinang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig.
|
·
Mahahasa
ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig kung mas bibigyan ng guro ng
mga pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil dito (pakikinig).
|
1.
9. Ang
kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.
|
·
Gumamit
ng iba’t ibang estratehiya o pagdulog sa pagtuturo ng akdang Pilipino
upang makapukaw sa interes ng mga mag-aaral na basahin ang mga ito.
·
Gumamit
ng multimedia sa pagtuturo ng mga akda (vcd,dvd etc.) o maging ang kompyuter
katulad ng powerpoint presentation upang mas higit na mahikayat ang mga mag-aaral
sa pagbabasa o pag-aaral ng mga akda.
·
Gamitin
ang masining na paraan ng pagtatanong sa talakayan upang maturuang mag-isip
at mahikayat na basahin ng mga mag-aaral ang akdang binabasa.
|
1.
10. Kamalayang
makadayuhan ( colonial mentality )
|
·
Magkaroon
ng mga patakaran sa loob ng silid-aralan ang guro sa wika at panitikan upang
maiwasan ang kolonisado ng isip ng mga mag-aaral lalo na sa paraan ng
kanilang pakikipagtalasatasan.
·
Higit na
hikayatin silang gamitin ang sariling wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga gantimpala sa mga mag-aaral.
|
1.
11. Miskonsepsyon
sa gamit ng wika
|
·
Ituro sa
mga mag-aaral ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay ayon sa
gamit ng wika makatutulong ito upang maunawaan ng mga mag-aarala ng wastong
gamit ng isang wika.
|
12. Pagbibigay ng higit na
pansin at halaga sa Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto )
|
·
Iwasan
ang paggamit ng wikang Ingles (guro-mag-aaral) sa loob ng klase ng Filipino.
·
Magbigay
ng insentibo sa mga mag-aaral na gumagamit ng wikang Filipino sa talakayan sa
klase at bigyan ng magaang parusa ang gumagamit ng wikang Ingles sa mga
talakayan sa klase ng Filipino.
·
Magbigay
ng mga proyekto na mas magpapahalaga sa wikang Filipino at Panitikan.
|
13. Obsesyon
ng guro at mga mag-aaral na makamit ang bentahe sa kahusayan sa
wikang Ingles bilang tanging instrumento ng pandaigdigang kompetisyon.
|
·
Bilang
guro ng wikang Filipino at Panitikan, kinakailangang mas pahalagahan ang
wikang itinuturo kung kaya’t dapat na kakitaan ito ng kasigasigan sa
pagtuturo ng wikang Filipino.
|
14. Kakulangan
ng kaalaman ng guro sa mga teknik o estratehiya sa larangan ng
pagtuturo ng pagsulat.
|
·
Makatutulong
ang pagbabasa, pagdalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa pagsulat upang sa
gayon ay lumawak pa ang kaalaman sa pagtuturo ng pagsulat.
|
15. Kakulangan
sa kaalaman ng guro sa istrukturang gramatikal (pagbabaybay,gamit ng iba’t
ibang bahagi ng pananalita atbp.)
|
·
Dumalo
sa mga seminar-worksyap hinggil sa suliraning ito.
·
Makatutulong
ang internet sa pagdaragdag ng kaalaman ng guro pagdating sa pagtuturo ng
istruktura ng gramatika.
|
16. Di-lubusang
paglinang sa kahusayang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo.
|
·
Mas makabubuting
iwasan ng guro ang pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng silid-aralan ng sa
gayon ay maging modelo siya ng kanyang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang
Filipino sa pakikipagtalastasan (tag-lish na sistema na pakikipagtalastasan)
|
17. Hindi
sapat na kaalaman sa pag-unawa ng iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo ng akdang
pampanitikan.
|
·
Makatutulong
ang pagbabasa,pananaliksik,paggamit ng mga aklat at paggamit din ng internet
sa pagpapalawig ng kaalaman sa paggamit ng mga pagdulog pampanitikan.
·
Higit na
suriing mabuti,basahin ng may pag-unawa,kunin ang pangunahing kaisipan ng mga
akda upang malaman kung anong pagdulog ang maaaring gamitin sa nasabing akda.
|
18. Hirap
sa pagtuturo ng mga matatalinghagang salita/pahayag ang guro at mag-aaral.
|
·
Iaplay
ang kolaboratibong pagtuturo kung saan ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng
ugnayan upang magbahagi ng kanilang nalalaman sa mga matatalinghagang
pahayag.
·
Sa parte
ng guro mas makabubuting magkaroon ng oras at panahon sa pagbabasa, paggamit
ng internet at aklat upang maunawaan ang ituturong matatalinghagang pahayag.
·
Maging
mapanuring mambabasa.
|
19. Kakulangan
ng kaalaman ng guro sa paggamit ng mga awtentikong kagamitan sa
pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral.
|
·
Pananaliksik
ang unang paraan upang malaman kung ano-ano ang mga awtentikong kagamitan na
maaaring gamitin sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral
·
Pag-aralang
mabuti ang awtentikong kagamitan ang maaaring akmang gamitin sa
paksang-aralin na tinalakay
|
20. Hindi
nagiging sensitibo ang guro sa suliraning pangwika na matatagpuan sa mga
aklat,materyal at maging sa kanyang pananalita na nakapagpapahirap sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika at panitikang Filipino.
|
·
Maging
sensitibo higit sa lahat.
·
Dapat
ang guro ay mulat din sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran lalo
na sa larangan ng wika at panitikan upang sunod sa bagong estratehiya/teknik
sa pagtuturo ng wika na makatutulong sa mga mag-aaral.
·
Gumamit
lamang ang guro ng mga pananalitang talos sa isip ng kanyang mag-aaral. Dapat
ding ibagay nito ang mga salitang kanyang gagamitin sa lebel ng isip ng mga
mag-aaral habang nagtuturo ng wika at panitikan upang makamit mga
ito ang pagkatuto sa itinuturo ng guro.
|
SULIRANIN
BILANG 4
Anong mga estratehiya ang maaaring iprisenta ng mga guro upang
madagdagan ang interes ng mga estudyante na mag-aral?
1.
PAMARAANG
4P’S
Ang pamaraang 4P’s ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang
malinang ang tinatawag na cooperative learning o ang kanilang pakikiisa sa
pangkatang gawain at talakayan. Ang 4P ay nangangahulugang pagpapangkat,
pagbabagyong-isip, pagtakay at pagbibigay-input.
Hakbang
sa Paggamit ng Pamaraang 4P’s
a. Pagpapangkat – papangkatin ang
klase sa apat o depende kung gaano kalaki ang klase.
b. Pagbabagyong-isip – magkakaroon ng
pagbabagyong-isip ang bawat pangkat ng mga mag-aaral hinggil sa paksang
ibinigay ng guro. Isa sa pangkat ang magtatala sa kanilang napag-usapan
hinggil sa paksa.
c. Pagtalakay – matapos ang
pagbabagyong-isip ng pangkat ay tatalakayin ng lider ng pangkat sa klase
ang napag-usapan ng kanilang pangkat.
d. Pagbibigay-input – kapag
nakapaglahad at nakapagtalakay na ang bawat lider ay magbibigay na ng feedback
at input ang guro hinggil sa paksa.
Pagkatapos ng talakayan, gagamit naman ng 4P’s ang guro sa
pagtataya.
a. Pagbibigay ng mini board, eraser
at chalk sa bawat pangkat.
b. Pagkilala ng bawat pangkat
sa tinutukoy o tinatanong ng guro.
c. Pabilisang pagsulat ng kanilang
sagot sa mini-board at itataas ito sa hudyat ng guro
d. Pagbibigay ng Popsicle Stick sa
mga nakakuha sa pangkat na nakakuha ng tamang sagot.
2. LOVE TEAM
STRATEGY O PAMARAANG PAGTATAMBAL
Ang love team strategy o pamaraang pagtatambal ay ginagamit
sa pagbibigay-kahulugan ng salita o talasalitaan.
Hakbang sa Love Team Strategy o Pamaraang Pagtatambal
a. Hatiin ang
klase sa dalawa ng pangkat, ang grupo ng lalaki at ang grupo ng babae.
b. Ibigay
sa mga lalaki ang mga mahihirap na salitang isa-isang nakasulat sa construction
paper.
c. Ibigay
naman sa mga babae ang mga kahulugan ng mga salitang mahihirap.
d. Nakahanay
ang mga babaeng may hawak ng construction paper na sinusulatan ng mga kahulugan
ng mga salitang hawak ng mgalalaki. Isa-isang lalapit ang mga lalaki
upang hanapin ang kanilang katambal. Nakadepende sa kahulugan ng salitang
kanlang hawak ang kanilang magiging katambal.
e. Kung mahanap na nila ang kahulugan
o ang kanilang katambal ay sabay nila itong ididikit sa pisara.
2.
PAMARAANG
SAGOT O SAYAW
Ang pamaraang ito ay makakatulong
upang masukat ang talas at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pagsagot
sa mga nakahandang katanungan.
Paano isasagawa?
a. Maghanda
ng mga katanungan na may kaugnayan sa paksang tinalakay. Isulat ito sa
maliit na papel tapos bilugin at ipasok sa plastic na bote.
b. Paupuin
ang mga mag-aaral nang magkaharap o ayos pabilog.
c. Habang
ipinatugtog ang musika ay ipapasa nila ang bote.
d. Sa paghinto ng tugtog, ang may
hawak ng bote ay kukuha ng isang katanungan sa loob nito.
. Pagkatapos
mabasa ang tanong ay sasagutin niya ito subalit kung hindi niya masagot ang
katanungan kailangan niyang sumayaw sa loob ng 30 segundo.
SULIRANIN
BILANG 5
Ano ang kahalagahan kahalagahan
ng isang mabuting guro?
MAHALAGA ANG PUSO SA PAGTUTURO
Ang
pagtuturo ng isang mahusay na guro ay hindi nagmula sa aklat ngunit ito’y
nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso. Kung ang isang guro ay may puso sa
kanyang ginagawa walang mag-aaral ang mababagot sa kanyang klase at walang
mag-aaral ang hindi matututo sapagkat gaano man kahina o kalikot ang isang
mag-aaral, kung ang gurong nagtuturo ay may pagmamahal sa kanila ay
pahahalagahan niya ito. Ito ang dahilan kung bakit kahit nasa
modernong panahon na ngayon, hindi kailanman mapapalitan ng modernong
teknolohiya ang guro. Wika nga ni William Ayers “Good teaching is not a
matter of specific techniques, plan or a style, teaching primarily is a matter
of love.
Mahalagang
kilalanin ng guro ang kanyang mga mag-aaral hindi lamang sa kanilang pangalan
kundi kahit sa kanilang pinagdaanan upang mas higit silang maiintindihan
. Marami sa mga mag-aaral ngayon na kahit sa murang edad ay may mga hindi
magandang karanasan o pinagdaanan sa buhay na nakaaapekto sa kanilang
pag-uugali at pag-aaral na siya ring dahilan upang sila’y agad mahusgahan.
Dahil dito hindi nagtatapos sa apat na sulok ng siid-aralan lamang, ang
obligayon ng guro sa kanyang mga mag-aaral. Kailangang magkaroon ang guro
ng malalim na pagkilala sa kanyang mga mag-aaral upang hindi lamang niya ito
matuturuan, magagabayan pa niya ito sa tamang landas na kanilang tatahakin
kahit hindi na niya ito mag-aaral. Ang simpleng pakikipag-usap sa mga
mag-aaral sa kantina, sa pasilyo o kahit saan ay nakatutulong ng malaki upang
higit silang makilala at mararamdaman din nila ang iyong pagpapahalaga sa kanila.
Mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kong magaan ang kanilang loob sa
kanilang guro. Magiging magaan din ang pakikitungo ng mag-aaral sa guro
kung maramdaman niyang hindi lamang siya itinuring na isang estudyante sa halip
ay itinuring siya nitong anak, kaibigan o kaya’y kapatid. Ayon nga sa
isang hindi nagpapapakilalang manunulat “ to teach is to touch lives forever.”
Ang guro ang tagapagdukal ng karunungan, ang tagahasik ng kaalaman at
tagapagpanday ng magandang kinabukasan. Obligasyon ng guro na ang bawat
bata o mag-aaral sa kanyang klase ay kanyang matuturuan at magagabayan sapagkat
ang pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon bagkus ito’y isang misyon at
bokasyon. Malaki ang maiaambag ng guro sa magiging kinabukasan ng kanyang
mga mag-aaral. Wika nga ni Henry Brooks Adams “ A teacher affects
eternity; he can never tell where his influence stops”.
Hindi
masusukat ang husay at kadakilaan ng isang guro sa bilang ng parangal na
kanyang natanggap at sa bilang ng kanyang mga matatalinong mag-aaral subalit sa
bilang ng mga mag-aaral na kanyang nabago at natulungang magkaroon ng
positibong pananaw sa buhay. Nararapat nag awing sentro ng bawat guro ang
Panginoon sa kanyang pagtutuo.
Bilang
isang simpleng guro, ito ang aking pilosopiya sa pagtuturo na umaakay sa akin
upang mas kilalanin ang bawat mag-aaral na aking nakasalamuha, hahabaan ang
aking pasensya sa kabila ng kanilang kakulitan, uunawain at gagabayan
sila sa kanilang pagkakamali at gawing buhay na buhay at makabuluhan ang
aking klase sa oras ng talakayan.
KABANATA III
III.konklusyon
PAGLALAGOM
Ang maipapayo ng mananaliksik sa mga susunod na mananaliksik
ay lakihan ang Limitasyon ng pag-aaral na hindi lamang sa sariling eskwelahan,
pati na rin sa iba pang mga unibersidad upang mas maging komprehensibo ang
pag-aaral. Maging mas masinop din sa mga impormasyon sa pamamagitan ng paggamit
ng mga “reference” kung saan gaganapin ang pagaaral.
Kinakailangan din na may kakilala ang mananaliksik na
nagtatrabaho sa mga opisina ng mga eskwelahan, partikular na sa “Dean’s Office”
kung saan napakaraming impormasyon ang makakalap.
At maging magalang din sa lahat ng mga tutulong sa
mananaliksik o kung sino mang makakasalamuhang mga tao dahil sila ay
makakatulong ng malaki sa pag-aaral o sa pananaliksik.
Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng “incomplete” na marka ng mga
estudyante ay ang pagiging pabaya nila sa mga kursong “incomplete” sila.
Sapagkat kung talagang pinahahalagahan nila ang kursong ito, hindi nila ito
babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng pansin.
Nakita sa resulta ng pananaliksik na halos “filipino
subjects” ang may incomplete ang mga estudyante. Hindi sapat na dahilan ito
upang huwag nang buhusan ng panahon ang subject na ito sapagkat parte pa rin
ito sa paghuhubog ng kaalaman, hindi lamang sa utak o pag-iisip ng maga
estudyante, kung hindi pati na rin sa kanilang mga personalidad. Maaring hindi
pa nakikita ng mga estudyante ang halaga ng asignaturang ito ngayon, pero lahat
ng pinag-aaralan ng mga estudyanate ngayon ay may malaking tulong sa buhay na
kanilang haharapin ng mga estudyante sa labas ng apat na kanto ng eskwelahan at
sa pagharap sa totoong buhay na naghihintay sa kanila.
Kailangan ay alam ng mga estudyante kung paano gugugulin ng
wasto ang kanilang oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete” na
marka. Inihahalintulad ng mananaliksik ang oras sa pera, na napakahalaga at
konti lamang sa bilang. Kung gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na mga
gawain ay masasayang lamang ang panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng mas
importanteng mga bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto, o pag-aaral para
sa mga pagsusulit.
Napakalaking abala ang pagkumpleto ng requirement sa isang
“incomplete” na marka, hindi lamang sa parte ng estudyante, kundi sa propesor
narin.
Ang lahat ng ito ay nag-uugat lamang sa isang sanhi, at ito
ay ang pag-aaral ng mabuti. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang
makakaligtaang proyekto o takdang aralin sapagkat alam ng estudyanteng masipag
mag-aral ang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi dapat gawin, at ang mga
mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy pa rin ang
ating pag-aaral ng iba't ibang bagay na makakatulong para lumago at umunlad ang
ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho -
kundi maging sa kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y sa
pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan
o pinansyal.
Ang mananaliksik ay napag-alamang
nasa mga metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ang interes ng mga mag-aaral
upang mag-aral at magkaroon ng makabuluhang pagkatuto. Ang mananaliksik ay
nagbibigay lamang ng mga datos kung paanong ang mga mag-aaral na may kahirapang
hinaharap sa asignaturang Filipino, sa mga magulang at sa mag-aaral na
makipagtulungan sa mas higit naikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad ng
pagkatuto hanggang sasusunod pang henerasyon. Ang teknik na lumabas sa pag-aaral
ay dapat na malinang ng mga tagapagturo ng kaalaman upang ito ay mapakinabangan
sa pamumuhay ng mga nagnanais na magtagumpay.
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang
pang-edukasyon ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, kung anu-ano ang mga
dahilan kung bakit sila nahihirapan at napag-iiwanan sa asignaturang ito. Para
sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong na magbibigay at maglalahad
ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kuro na nanggaling sa aking na survey.
REKOMENDASYON
Nirerekumenda ng mananaliksik ang pag-aaral na
ito na magkaroon ng isang mas epektibong pag-aaral pa sa mga problemang
pang-edukasyon upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga
mag-aaral tungkol na rin sa mga kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa
pagsusulit.Sa pananaliksik na ito malalaman ang
mga kasagutan at dapat malaman ng mga mag-aaral sa kahirapang kanilang
kinahaharap sa asignaturang filipino.